Spotify
Nakakatawa bang isipin na kaya ako nag-download ng Spotify ay dahil sayo? ewan ko ba.. gusto kitang maalala, palagi. pero alam mo ang hirap humanap ng musika na babagay sa'yo—sa atin. parang walang kanta na kayang ilarawan kung anong meron tayo. Ang ganda sana ng 'lifetime' ng ben&ben pero di ako maka-relate kasi alam kong hindi ka lang isang panaghinip, naranasan kita.

Comments
Post a Comment